my own story, what do you think?(tagalog language)unfinshed

Discussion in 'Fiction Writing' started by sadama123, May 29, 2018.

  1. sadama123

    sadama123 New Member

    CHAPTER 1:

    Isang mainit na umaga, Ginising ako ng maingay na alarm clock na nagsasabi sa akin na kailangan ko ng pumasok. Unti-unti kong iminulat ang mapungay kong mga mata at iniunat ang tamad kong katawan sa kama na parang pagong na nakadapa sa lupa. Nagtimpla ako ng paborito kong kape na sobrang tamis aakalain mo ay parang pulot sa lasa. Dali dali akong kumain at agad naligo upang hindi ako mahuli sa aking klase. Malayo-layo na ang nalakad ko ng mapansin ko na nakalimutan ko ang aking payong kaya bilad na bilad ako sa araw habang naglalakad kahit malakas ang hangin . Para akong bata na palipat-lipat sa bawat gusali at sa puno na malilim upang maibsan ang init na nararamdaman.

    Tanaw ko na ang aming paaralan ng biglang may gumulong na isang malapad na bagay, sa unang tingin akala ko gulong na nagmula sa isang bumanggang sasakyan. Pero ng mapansin ko na ito pala ay sumbrero, agad agad ko itong dinampot at tumingin sa kaliwa. Ang aking mga mata ay nakatingin sa kalsada at unti unting tumataas dahil ang daang ito ay pataas na burol. Doon ko nakita ang isang dalaga na lingon ng lingon na para bang may hinahanap. Di ko siya matitigan dahil sa sinag ng araw kaya unti-unti akong naglakad pataas ng daanan. Nang ako ay nakalapit sa kanya, pasimple ko siyang kinalabit at tinanong kung ito ba ang hinahanap niya. Wala akong magawa kung hindi mapatitig sa kanyang kulay asul na mata na para bang diamante na kumikinang, habang siya'y nakatingin sa sumbrero na aking hawak. Humahalimuyak ang mabango niyang amoy na nagmumula sa kanyang maputi at makinis na balat kung saan halatang galing ibang bansa. Agad ko itong binigay sa kanya pero di ko maalis ang aking mata sa kanyang magandang ngiti habang sinusuot niya ang sumbrero, dahan dahan siyang yumuko at sinabing " je vous remercile"(thank you) napangiti ako sa kanya habang naglalakad siya palayo. Di maalis ang ngiti sa aking mukha na tuwang tuwa at parang nakakita ng isang artista. Pero pumasok na lang sa aking isipan na hindi ko na muli siya makikita, at patuloy lang ako sa paglalakad papuntang paaralan. Tumunog muli ang kampana na naghuhudyat ng pagsisimula ng klase. Agad agad kaming umupo sa kanya kanyang upuan upang hintayin ang pagdating ng aming guro. Kami ay nagtataka kung bakit lumipas ang kalahating oras ay hindi pa dumadating ang aming guro. Sa kasawiang palad dumating ang aming guro bitbit ang mga banghay-aralin. Matapos ang pangalawang aralin ay ang pinakahihintay ng lahat ang oras ng recess at nag-unahan sila sa paglabas ng kwarto upang makapila sa canteen. Buti nalang at ako ay laging may dalang pang meryenda bago pumasok. Tahimik lang na kumakain sa aking upuan habang nakaharap sa bintana at tinatanaw ang maaliwalas na panahon. Kilala ako sa aming paaralan dahil sa katangian kong palakaibigan na kaklase, at kadalasan ay napagkakamalang babaero dahil mga babae na aking mga kaibigan. Madalas ako'y tahimik sa isang sulok ,mapapa isip na lang ng mga walang kabuluhang bagay at madalas pa ay tungkol sa siyensya.

    Tumunog muli ang kampana na nagsasabing tapos na ang recess. Kanya-kanyang nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kanilang upuan at naglabas ng libro at notebook. Lubog na lubog ako sa aking iniisip, bigla kong naalala ang babaeng nakita ko kaninang umaga. Di ko namalayan na nagsimula na pala ang klase. Napansin ko na lahat ng aking kaklase ay nakatingin, at may taong nakatayo sa akin tagiliran. Habang ako ay nakatulala sa labas ng bintana pumasok ang aking guro, nag ipinahayag niya na may bagong transfer student bagong mag aaral sa aming klase. Lahat ay namangha at natulala sa isang magandang dalaga na pumasok sa pintuan at eleganteng nagpakilala sa harapan. Yumuko siya ng konti upang ipakita ang paggalang at respeto sa aming guro, yumuko din ang aming guro at tinuro sa kanya kung saan siya uupo. Habang naglalakad siya sa kanyang upuan napansin niya ako na tulala sa bintana, at tumayo sa aking tagiliran. Ako naman ay walang kaalam alam sa nangyayari at napatingala sa kanya. Ngumiti siya sa akin at sinabing " Hi! Thank you again this early morning that was very important to me. By the way I'm Jasmin Dacillo I hope we can be friends?" at ngumiti siya sa akin. Na blangko ang aking isipan, at di makapaniwala na magiging kaklase ko siya kung saan ang tanging nasabi ko sa kanya ay "OK". Di ko maiwasang mapansin ang mga matutulis na tingin ng aking mga kaklaseng lalake, kung saan pagkatapos ng klase ay halos sakalin nila ako sa inggit at pagsusuntukin ng mahina. Tinatanong nila ako ng kung anu-ano katulad ng anong nangyari sa amin? at bakit ko daw siya kilala? kababata mo ba siya? kung saan hirap na hirap akong ipaliwanag na unang beses lang kami nagkita kaninang umaga. Habang siya naman ay pinapalibutan ng mga babae at tinatadtad din ng mga tanong, kung saan siya ay nakangiti lang.

    Lunch time na naman, nagkakayayaan ang mga magbabarkadang kumain. Sanay na akong umalis ng kwarto tuwing lunch pero napansin ko siya na nakaupo parin sa kanyang upuan, kaya nagpaalam ako sa mga kabarkada ko na susunod nalang ako sa kanila. Nilapitan ko siya at umupo sa harapan niya, nakapangalumbaba ako sa bangko at nakatitig sa kanya. Lumayo siya ng konti na parang nandidiri sa akin pero patuloy parin ang pagtitig ko sa kany a :

    Ako: letter M
    Jasmin: HUH???
    Ako: AT K
    Jasmin: For what?
    Ako: may M at K ang letra sa pangalan ng dati mong crush!
    Jasmin: ha... how did you know? are you a stalker? (mejo namula ang mukha)
    Ako: Hahahahaha nope nakita ko lang sa mukha mo yung mga letra na yan.
    Jasmin: in my face?
    Ako: wala kalimutan mo nalang, tara kain tau
    Jasmin: No im good i have my own lunch.(naglabas ng lunch box)
    Ako: ah ok pwede ba kita samahan?
    Jasmin: Sure!!
    Ako: wait lang..

    Agad agad akong lumabas at bumili ng kanin , ulam at bumalik sa kwarto, kung saan kami ay nagkwentuhan kahit hirap akong mag english. Nang matapos na kaming kumain napansin ko na lang na ang mga kaklase ko ay nasa pintuan sinisilip ang ginagawa naming dalawa. Kung saan di ako nangahas na tingnan sila dahil sa matatalim na tingin ng aking kabarkada. Kahit uwian na at patapos na ang klase hinahabol parin nila ako at kinukulit kung ano ang nalalaman ko kay Jasmin. Sa pagtatago sa kanila nag tambay nalang ako sa likod ng gym kung saan walang masyadong nagpupunta. Kahit na pagbungad ko sa lugar na yun ay may magkasintahan na naghahalikan at agad na umalis ng ako ay nakita. Di ko alintala ang magkasamang amoy ng sigarilyo at ihi sa paligid ng biglang makarinig ako ng boses na kahit mahina ay di ako magkakamaling di makilala. Ito ay ang boses ng pinakasikat na studyante ng school na si Jerel na madalas ay na nababalitaang maraming kasintahan dahil anak siya ng governor ng aming lungsod. Alam ko na may kausap siya pero hindi ko pinansin , inisip ko nalang na may away na naman sila ng syota niya. Matapos ang ilang segundo hindi ako nakatiis at sinubukan ko tingnan kung sino ang kausap niya pero nung sisilip na ako nakita ko ang isa sa aking kabarkada na papalapit sa aking pwesto at agad agad akong tumalon sa bakod ng school.
     

Share This Page